Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Posibleng Bato sa Apdo na may Biliary Colic (Ipinapalagay)

Atay, Apdo, Sikmura, Karaniwang bile dut, Cystic duct, Karaniwang hepatic duct

Maaaring sanhi ng paghilab ng apdo ang pananakit ng iyong tiyan (abdominal). Tinatawag itong gallbladder o biliary colic. Isang maliit na supot sa ilalim ng atay ang gallbladder, na nag-iimbak at naglalabas ng apdo. Isang likido na tumutulong sa pagtunaw ng taba ang apdo. Pinasisigla ng pagkain ng matabang pagkain ang gallbladder upang umurong, at ilalabas ang apdo. Maaaring mabuo ang isang bato sa apdo sa supot na ito. Kahit walang sintomas ang karamihang tao, kapag gumalaw at binarahan ng bato ang pagdaloy ng apdo palabas ng pantog, maaari itong magdulot ng pananakit at pati na impeksiyon.

Upang maging mas tiyak sa diagnosis, maaaring kailanganin mong magkaroon ng isang ultrasound, CT scan, o iba pang espesyal na pagsusuri.

Maraming bagay ang nagpapataas sa panganib ng pagkakaroon ng mga bato sa apdo:

  • Pagiging babae

  • Sobrang katabaan

  • Pagiging mas matanda

  • Mabilis na pagbawas o pagdadag ng timbang

  • Mataas na calorie na diyeta

  • Pagbubuntis

  • Hormone therapy

  • Diabetes

Ang pinakakaraniwang mga sintomas ay:

  • Pananakit ng tiyan, pamumulikat, pananakit

  • Pagduduwal, pagsusuka

  • Lagnat

Maraming karamdaman ang maaaring magdulot ng mga sintomas na ito. Karaniwang nagsisimula ang pananakit sa kanang itaas na bahagi ng iyong tiyan. Kung minsan maaari itong maramdaman sa iyong kanang balikat, likod at braso. Karaniwang bigla itong nagsisimula, mabilis na nagiging mas matindi, at pagkatapos, unti-unting nababawasan at nawawala sa loob ng ilang oras. Maaaring mahirapan ang mga mas nakatatanda o may diabetis na ipakita kung saan eksaktong naroon ang pananakit. Maaaring mangyari ang pananakit pagkatapos kumain, lalo na sa isang pagkain na maraming taba.

Pangangalaga sa tahanan

  • Mamahinga sa higaan at sundin ang malinaw na likidong diyeta hanggang gumanda ang pakiramdam. Kung ibinigay ang gamot sa pananakit o pagduduwal upang makatulong sa iyong mga sintomas, inumin ang mga ito ayon sa itinagubilin.

  • Maaari kang uminom ng acetaminophen o ibuprofen para sa pananakit, malibang binigyan ka ng ibang gamot para sa pananakit upang gamitin. Tandaan: Kung mayroon kang hindi gumagaling na sakit sa atay o bato o nagkaroon ng ulcer sa sikmura o pagdurugo ng sikmura at bituka, o umiinom ng mga gamot na pampalabnaw ng dugo, makipag-usap sa iyong tagapangalaga bago gamitin ang mga gamot na ito.

  • Pinauuurong ng taba sa iyong diyeta ang gallbladder. At maaari itong magdulot ng karagdagang pananakit. Kaya limitahan ang taba sa iyong diyeta sa susunod na 2 araw. Pagkatapos, sundin ang isang diyetang kakaunti ang taba. Kung sobra ang iyong timbang, matutulungan ka ng diyetang kakaunti ang taba na magbawas ng timbang. Kung hindi ka sigurado kung ano ang kakainin, magtanong sa iyong tagapangalaga para sa impormasyon.

Follow-up na pangangalaga

Kung nakaiskedyul na ang isang pagsusuri para sa iyo, sundin ang appointment na ito. Siguraduhing alam mo kung paano maghanda para sa pagsusuri. Sundin ang anumang tagubiling ibinigay sa iyo sa hindi pagkain o pag-inom bago ang pagsusuri. Mag-iskedyul ng isang appointment sa iyong sariling tagapangalaga pagkatapos gawin ang iyong pagsusuri upang pag-usapan ang mga natuklasan. May posibilidad na bumalik ang biliary colic. Kaya kadalasang kailangan ang paggamot. Kadalasang kabilang dito ang operasyon upang alisin ang gallbladder (cholecystectomy).

Kailan dapat humingi ng medikal na payo

Tawagan ang tagapangalaga ng iyong kalusugan kung anuman sa mga ito ang mangyari:

  • Lumulubha ang pananakit o lumilipat sa ibabang kanang bahagi ng tiyan

  • Paulit-ulit na pagsusuka

  • Pamamaga ng tiyan

  • Nagtatagal nang mahigit 6 na oras ang pananakit

  • Lagnat na 100.4º F (38º C) o mas mataas, o ayon sa itanagubilin ng iyong tagapangalaga

  • Panghihina o pagkahilo

  • Maitim na ihi o maputla ang kulay na mga dumi

  • Madilaw na kulay ng balat o mata (jaundice)

  • Pananakit ng dibdib, braso, leeg, likod, o panga

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 kung mangyari ang alinman sa mga ito:

  • Hirap sa paghinga

  • Sobrang nalilito

  • Sobrang inaantok o nahihirapang gumising

  • Pagkahimatay o pagkawala ng ulirat

  • Mabilis na pintig ng puso

Online Medical Reviewer: Jen Lehrer MD
Online Medical Reviewer: Louise Cunningham RN BSN
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Date Last Reviewed: 2/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer