Search Results
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Pagpipilian sa Pagkontrol ng Pagbubuntis (Birth Control)

Naiintindihan naming ang kasarian ay isang ispektrum. Maaari kaming gumamit ng mga salitang batay sa kasarian upang talakayin ang tungkol sa anatomiya at panganib sa kalusugan. Mangyaring gamitin ang impormasyong ito sa isang paraan na pinakamahusay na gumagana para sa iyo at sa iyong tagapangalaga habang pinag-uusapan ninyo ang iyong pangangalaga.

Ang paggamit ng birth control ay pumipigil para hindi ka mabuntis dulot ng pakikipagtalik. Maraming uri ng birth control. Mas mahusay ang ilan uri kaysa iba. Sinusubukan sa lahat ng panahon ang mga bagong uri. Matutulungan ka ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na magpasya kung anong uri ang pinakamabuti para sa iyo. Pero anumang uri ang pipiliin mo, dapat mo itong gamitin at ng kapartner mo sa tamang paraan tuwing magtatalik kayo. Nasa ibaba ang ilan sa pinakakaraniwang uri.

Condom

Ang condom na panglalaki ay isang manipis na supot na kasya sa ari ng lalaki. Ang condom na pambabae ay kasya sa loob ng ari ng babae. Sinasagap ng condom ang mga similya na lumalabas sa ari ng lalaki sa panahon ng pagtatalik.

Spermicide

Ang spermicide ay gel, foam, cream, tableta, o ispongha. Gumagana rin ang ispongha bilang harang sa spermicide. Inilalagay ito sa ari ng babae bago magtalik para mapatay ang similya.

Diaphragm at cervical cap

Ang diaphragm ay pabilog na rubber cup na pumipigil sa similya na makapasok sa uterus. Katulad nito ang cervical cap, pero mas maliit. Pinanatili rin nito ang spermicide sa tamang lugar.

Intrauterine device (IUD)

Ang IUD ay isang maliit na device na inilalagay ng tagapangalaga ng kalusugan sa matris. Nananatili ito sa lugar nang ilang buwan o taon kung kinakailangan.

Ang pill

Ang birth control pill ay iniinom araw-araw. Mayroon itong mga hormone na pumipigil sa mga obaryo na maglabas ng itlog bawat buwan.

Iba pang mga hormone

Ang mga hormone na pumipigil sa isang itlog na mailabas bawat buwan mula sa isang obaryo ay puwedeng maibigay sa iba pang paraan. Kabilang sa mga ito ang iniksyon, pagtatanim sa ilalim ng balat (implant), tapal (patch), o vaginal ring.

Iba pang mga mapagpipilian

Kasama sa iba pang mga paraan ng birth control ang:

  • Sterilization sa lalaki (vasectomy). Sa operasyong ito, tinatalian o pinuputol ang mga tubo (vas deferens) na nasa bayag. Ginagawa ito para hindi lumabas ang semilya sa semen na inilalabas ng ari ng lalaki.

  • Sterilization sa babae. Hinaharangan o pinuputol ng operasyong ito ang mga fallopian tube. Maaari itong gawin sa tiyan (laparoscopy) para harangan ang mga tubo o alisin ang bahagi o lahat ng ito. Maaari ding gawin ito sa panahon ng C-section.

  • Withdrawal na paraan. Ito ay kapag inilalabas ang ari ng lalaki mula sa puwerta bago ang ejaculation. Mataas ang rate na mabigo sa ganitong pamamaraan. Ang range ay mula 22% hanggang 28%.

  • Pamamaraang kamalayan kung kailan fertile. Ito ay kapag sinusubaybayan ng isang taong may mga obaryo at matris ang kanyang mga araw na fertile. Makikipagtalik lamang siya sa mga panahong malamang na hindi siya mabuntis. Ang ganitong pamamaraan ay mahirap para sa mga taong may hindi regular na pagreregla.

Emergency contraception (EC)

Nakakatulong ang emergency contraception na mapigilan ang pagbubuntis pagkatapos ng hindi protektadong pagtatalik. Mabibili nang walang reseta ang mga hormone pill ng sinuman. Kilala rin ang mga ito bilang morning after pills. Isang pangalawang uri ng EC ay ang copper IUD. Kailangan itong ipasok ng isang sinanay na tagapangalaga ng kalusugan. Alinman sa uring ito ng EC ay puwedeng gamitin hanggang 5 araw pagkatapos ng pagtatalik. Pero dapat itong gamitin sa lalong madaling panahon. Kapag mas maaga itong ginamit pagkatapos ng hindi protektadong pagtatalik, mas malamang na gumana ito. Hindi eepekto ang EC kung buntis ka na.

Mga bagay na isasaalang-alang

Pag-isipan ang mga sumusunod:

  • Pumili ng uri ng birth control na madali para sa iyo na gamitin.

  • Pag-aralan kung paano gamitin ang iyong birth control sa tamang paraan. Basahin ang pakete. Sundin ang mga tagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.

  • Tandaan na karamihang uri ng birth control ay hindi makakaprotekta sa iyo laban sa mga impeksiyon na naililipat sa pakikipagtalik (STS). Para maprotektahan laban sa STI, laging gumamit ng latex condom. Kung may alerdyi ka sa latex, puwedeng makapagbigay ng parehong proteksyon ang condom na hindi latex.

Online Medical Reviewer: Donna Freeborn PhD CNM FNP
Online Medical Reviewer: Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer: Irina Burd MD PhD
Date Last Reviewed: 2/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer