Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pangangalaga sa Bahay Para sa Pananakit ng Tuhod

Fibula, Femur, Patella, Articular cartilage, Meniscus, Tibia

May ilang karaniwang sanhi ang pananakit ng tuhod. Kabilang sa mga ito ang:

  • Pilay ng mga litid na sumusuporta sa kasukasuan

  • Pinsala sa lining ng cartilage ng kasukasuan

  • Arthritis mula sa pagkapunit at pagkasira o pamamaga

May iba pang nagiging sanhi. Maaring mayroon kang pamamaga, nabawasan ang paggalaw ng kasukasuan ng tuhod, at pananakit sa paglakad. Kailangan pa ring gawin ang isang tiyak na diagnosis. Kung hindi gumagaling ang mga sintomasmo, maaaring kailangan mo ng karagdagang follow-up at pagsusuri.

Pangangalaga sa tahanan

  • Huwag gamitin ang napinsalang binti hangga't maaari hanggang bumuti ang sakit.

  • Maglapat ng ice pack sa napinsalang bahagi sa loob ng 15 hanggang 20 minuto kada 3 hanggang 6 na oras. Gawin ito sa loob ng unang 24 hanggang 48 oras. Maaari kang gumawa ng ice pack sa pamamagitan ng paglalagay ng mga ice cube sa isang plastic bag na naisasara sa itaas at pagkatapos, balutin ito ng manipis na tuwalya. Ipagpatuloy ang paggamit ng mga ice pack upang mapaginhawa ang pananakit at pamamaga kung kinakailangan. Pagkatapos ng 48 oras, lapatan ng init (maligamgam na shower o paligo) sa loob ng 15 hanggang 20 minuto ilang beses sa isang araw, o halinhinan ang yelo at init. Kung dapat kang magsuot ng hook-and-loop knee brace, maaari mo itong buksan upang maglapat ng ice pack, o init, direkta sa tuhod. Huwag kailanman direktang maglagay ng yelo sa iyong balat. Palaging ibalot ang yelo sa isang tuwalya o iba pang uri ng tela.

  • Maaari kang gumamit ng gamot para sa pananakit na nabibili nang walang reseta upang makontrol ang pananakit, maliban kung may ibang iniresetang gamot para sa pananakit. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago gamitin ang mga gamot na ito kung mayroon kang pangmatagalang sakit sa atay o kidney. Makipag-usap din sa iyong tagapangalaga kung nagkaroon ka ng ulser sa sikmura, pagdurugo sa sikmura at bituka, o umiinom ng pampalabnaw ng dugo..

  • Kung ipinayo ang paggamit ng mga saklay o walker, huwag pasanin ang buong timbang ng katawan sa napinsalang binti hanggang magawa mo na ito nang walang pananakit. Itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago bumalik sa sports o buong tungkulin sa trabaho.

  • Kung nakasuot ka ng hook-and-loop knee brace, maaari mo itong tanggalin para maligo at matulog, maliban kung iba ang ipinayo.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow-up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ayon sa ipinayo. Kadalasan ito sa loob ng 1 hanggang 2 linggo.

Kung kumuha ng mga X-ray, sasabihan ka kung may anumang bagong natagpuan sa iyong resulta na makakaapekto sa iyong pangangalaga.

Tumawag sa 911

Tumawag sa 911 kung mayroon kang:

  • Kakapusan sa hininga

  • Pananakit ng dibdib

Kailan hihingi ng medikal na payo

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng iyong kalusugan kung mangyari ang alinman sa mga ito:

  • Namamaga, nanlalamig, nagkukulay asul, namamanhid, o nanginginig ang mga daliri sa paa o ang paa

  • Kumakalat ang pananakit o pamamaga sa tuhod o likuran ng binti

  • Lumilitaw ang init at pamumula sa tuhod o likuran ng binti

  • Nananakit ang iba pang kasukasuan

  • Lumilitaw ang pantal

  • Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa itinagubilin ng tagapangalaga ng iyong kalusugan

  • Ginaw

Online Medical Reviewer: Rahul Banerjee MD
Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 3/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer