Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ang Iyong Sanggol sa NICU: Pag-unawa sa Impeksiyon

Nasa panganib ng impeksiyon ang lahat ng sanggol. Dahil ito sa kailangan ng oras ng immune system (depensa ng katawan laban sa sakit) ng sanggol para mabuo. Habang nabubuo ito, mas malamang na magkakasakit ang iyong sanggol mula sa mga mikrobyo kaysa mas may edad na bata at matatanda. Mas hindi mature ang immune system ng isang kulang sa buwan na sanggol kaysa kumpleto sa buwan na sanggol. Inilalagay nito ang mga kulang sa buwan na sanggol sa mas mataas na panganib ng impeksiyon. Pinatataas din ng mga tiyak na problema sa kalusugan ang panganib ng iyong sanggol sa impeksiyon.

Mga uri ng impeksiyon

Nangyayari ang impeksiyon kapag pumapasok sa katawan ang mga mikrobyo. Ito ang mga pinakakaraniwang uri ng mga impeksiyon sa isang bagong silang na sanggol:

  • Lokal na impeksiyon. Isa itong impeksiyon sa 1 bahagi ng katawan.

  • Systemic na impeksiyon. Isa itong impeksiyon na kumakalat sa mga organ ng katawan sa pamamagitan ng dugo.

  • Meningitis. Isa itong impeksiyon ng likido sa paligid ng utak o spinal cord.

Paano nakuha ng aking sanggol ang isang impeksiyon?

Narito ang ilang paraan kung paano maaaring makakuha ng impeksiyon ang isang bagong silang na sanggol:

  • Bago isilang, maaaring mawasak (bumuka) ang mga amniotic na membrane. Pinahihintulutan nito ang mga mikrobyo na pumunta sa ari ng ina at sa matris, nahahawa ang sanggol.

  • Bago isilang, maaaring dumaan ang mga mikrobyo sa pamamagitan ng placenta mula sa ina patungo sa sanggol.

  • Habang isinisilang, maaaring dumaan ang mikrobyo mula sa ina patungo sa sanggol.

  • Pagkatapos isilang, maaaring pumasok ang mga mikrobyo sa paligid sa katawan ng sanggol. Mas maaari itong mangyari kung mayroong isang biyak sa balat ng sanggol. O maaaring mangyaring ito kung ipinasok ang isang tubo sa katawan.

Paano ginagamot ang impeksiyon?

Nagbibigay ng isang antibiotic na gamot ang tagapangalaga ng kalusugan sa pamamagitan ng IV (intravenous line) upang gamutin ang impeksiyon. Nag-iiba-iba ang haba ng panahon na mangangailangan ang iyong sanggol ng gamot. Depende ito sa uri ng impeksiyon na mayroon siya. Sasabihan ka pa ng tauhan ng neonatal intensive care unit (NICU) tungkol sa gamot at mga maaaring masamang epekto. Magsasagawa ng mga natatanging pangangalaga ang team ng tagapangalaga ng kalusugan upang pigilan ang pagkalat ng mga mikrobyo sa iba pang sanggol sa NICU sa panahon ng paggamot.

Kung walang impeksiyon ang iyong sanggol ngunit nasa mataas na panganib na magkaroon, maaaring bigyan ng tagapangalaga ang iyong sanggol ng mga antibayotiko. Ito ay para makatulong na maiwasan ang impeksiyon.

Ano-ano ang mga maaaring pangmatagalang epekto?

Nakadepende sa maraming dahilan kung paano gagaling ang iyong sanggol. Kasama sa mga ito ang kung nasaan ang impeksiyon, gaano kalala ito, at anong uri ng mikrobyo ang nagdulot nito. Makipag-usap sa tagapangalaga ng iyong sanggol tungkol sa kung gaano katagal bago gumaling ang iyong sanggol. Magtanong tungkol sa anumang follow-up na maaaring kailanganin.

Habang nakikipag-bonding ka sa iyong sanggol

Ang mapalapit at suportahan ang iyong sanggol ang iyong tungkulin bilang magulang sa ngayon. Babantayan ng tauhan ng NICU ang iyong sanggol para sa sumusunod na mga palatandaan ng impeksiyon. Ngunit siguraduhing sabihin kaagad sa tauhan ng NICU kung nakikita mo ang alinman sa mga palatandaang ito:

  • Mas kaunting pagkilos

  • Mga problema sa paghinga na lumalala

  • Humihinto ang paghinga (apnea)

  • Pamumula o pagtagas ng likido mula sa pusod o iba pang lugar

Tumulong na maiwasan ang impeksiyon sa paghugas ng kamay

Lalaking naghuhugas ng mga kamay sa silid ng ospital.
Madalas na hugasan ang mga kamay upang makatulong na maiwasan ang impeksiyon.

Naikakalat ang karamihang mikrobyo sa iyong mga kamay. Ang paghugas ng kamay ang pinakamabuting paraan upang mapigilan ang pagkalat ng mga mikrobyo. Gamitin ang mga sumusunod na hakbang. (Maaaring hilingin ng mga tagapangalaga ng kalusugan na sumunod ka sa isang kakaibang pamamaraan habang nasa NICU ang iyong sanggol.)

  • Alisin ang anumang singsing, pulseras, o relos na suot mo. Maaaring mahirap linisin ang mga ilalim nito. (Maaaring naisin mong huminto sa pagsusuot ng mga alahas sa NICU.)

  • Gumamit ng malinis at umaagos na tubig at maraming sabon upang makagawa ng magandang bula.

  • Linisin ang iyong buong kamay. Kasama rito ang ilalim ng iyong mga kuko, sa pagitan ng iyong mga daliri, at pataas sa iyong galang-galangan. Huwag pupunasan lang. Kuskusin nang mabuti.

  • Panatilihin ang paghuhugas nang hindi bababa sa 10 hanggang 15 segundo. Maaari kang masorpresa kung gaano katagal ang ginugugol nito. Kaya siguraduhing magbilang.

  • Magbanlaw. Hayaang dumaloy ang tubig sa dulo ng iyong mga daliri, hindi pataas sa iyong mga galanggalangan.

Sundin ang mga tagubilin mula sa tauhan ng NICU

Kung mayroon kang isang kulang sa buwan na sanggol sa NICU, maaaring hilingin ng tauhan na sundin mo ang mga karagdagang hakbang na pangkaligtasan. Ito ay upang makatulong na maiwasan ang pagkalat ng impeksiyon sa iyong sanggol. Sasabihan ka pa ng karagdagan ng tauhan ng NICU.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer