Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Gamot sa Osteoarthritis

Pwedeng makaapekto ang kirot ng osteoarthritis sa iyong buhay sa maraming paraan. Pwede nitong gawing mahirap para sa iyo na maging aktibo at alagaan ang iyong sarili. Pwedeng magdulot ng mga problema sa pagtulog ang hindi nalulunasang kirot. Pwede rin itong makadagdag sa depresyon at kabalisahan.

Ang pagkontrol ng kirot ay nagsasangkot ng mga pagbabago sa buhay tulad ng pamamahala ng timbang at pag-eehersisyo. Kabilang sa mga natural at alternatibong panlunas para sa kirot ay ang paggamit ng init at lamig, masahe, at acupuncture. Malamang na gusto mo ring subukan ang mga pamamaraan ng pagrerelaks at pagpapayo. May iba pang mga available na gamot na makakatulong na mabawasan ang kirot.

Mga gamot na nabibili nang walang reseta (over-the-counter, OTC).

Ang ilang gamot sa arthritis ay nabibili nang walang reseta.

  • Epektibo ang acetaminophen para sa katamtamang kirot at hindi nagdudulot ng pagsakit ng tiyan. Ngunit hindi nito nababawasan ang pamamaga. Dapat kang makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago ito gamitin kung ikaw ay may probema sa atay o bato. 

  • Tumutulong ang mga gamot na nonsteroidal anti-inflammatory (mga NSAID) na maibsan ang kirot at pamamaga. Kabilang sa mga ito ang ibuprofen at naproxen. Maaaring magdulot ang paggamit ng mga NSAID ng mga problema sa tiyan at bato pati na rin ang mas mataas na panganib para sa stroke at atake sa puso. Posible rin nitong pataasin ang presyon ng dugo. Huwag uminom ng mga NSAID kung umiinom ka ng mga gamot na pampalabnaw ng dugo, tulad ng warfarin. Makipag-usap muna sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon kang mga problema sa puso o sakit sa bato o atay. 

Mga inireresetang gamot

Kailangan ng reseta ang ilang gamot sa arthritis:

  • Mas malakas ang mga inireresetang (NSAID) kaysa sa mga over-the-counter na NSAID. Nababawasan ng mga ito ang kirot at pamamaga. Ang paggamit ng mga NSAID ay maaaring magdulot ng mga malubhang problema sa tiyan at madali kang magkapasa. Maaaring humantong ang mga ito sa mga problema sa puso, bato, o atay. Kabilang sa mga gamot na ito ang nonselective NSAID, tulad ng naproxen, diclofenac, at indomethacin. Kabilang din sa mga selective NSAID, tulad ng meloxicam at celecoxib. Ipinapalagay na ang selective NSAID ay hindi gaanong nagdudulot ng panganib na magkaroon ng mga side efffect na gastrointestinal kaysa sa mga nonselective NSAID. 

  • Ang iba pang mga gamot na maaaring gamitin ay ang duloxetine, tramadol, at opioids. Maaaring ireseta ito sa ilang tao batay sa ilang partikular na kalagayan. 

Mga topical na gamot

Lalaking naglalagay ng ointment sa tuhod bago mag-ehersisyo.

Ang topical na gamot ay mga gamot na ipinapahid sa balat sa ibabaw ng apektadong kasu-kasuan. Pwedeng lotion, cream, spray, ointment, gel ang mga ito. Magagamit ang mga ito kasama ng ilang gamot:

  • Maaaring mabawasan ng mga NSAID cream ang pamamaga at mapahupa ang kirot.

  • Ang capsaicin cream ay gawa sa sangkap na matatagpuan sa mga sili (chili pepper). Umeepekto ito sa pamamagitan ng pagpapahinto sa produksyon ng substansya na nakakatulong sa pagpapadala sa utak ng mga signal ng kirot. Maaari itong magdulot ng mainit at parang tinitibo na pakiramdam sa unang paggamit nito.

  • Ang iba pang topical na gamot ay nagpapahupa ng kirot sa pamamagitan ng pagpapamanhid sa bahagi kung saan ito ipinahid.

Mga gamot na intra-articular

May ilang taong bumubuti ang pakiramdam pagkatapos mainiksyonan sa tuhod. Ang mga ito maaaring:

  • Corticosteroid na ginagamit sa halos lahat ng kasu-kasuan

  • Paghahanda ng hyaluronic acid na gagamitin para sa mga tuhod 

Kung hindi umeepekto sa iyo ang isang gamot, maaaring umepekto naman ang iba. Kung may mga tanong ka o alalahanin patungkol sa iyong mga gamot, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.

Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Melinda Murray Ratini DO
Online Medical Reviewer: Rajadurai Samnishanth Researcher
Date Last Reviewed: 4/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer