Pagkatapos ng Operasyon sa Likod: Mas Maramin Pang Payo para sa Pang-araw-araw na Pamumuhay
Nangangahulugan ang pagbalik sa iyong pang-araw-araw na gawain na pag-iingat upang protektahan ang iyong likod. Makatutulong ang mga payong ito sa na maiwasan ang na mapinsala ang iyong likod at maantala ang paggaling ng iyong sugat.
Pamimili ng grocery
Bumili ng kaunting dami ng mga grocery bawat pagkakataon. Hingin sa checker na ibalot nang magaan at gumamit ng mga bag na may mga hawakan. Ilagay ang mga bag ng pinamili sa upuan ng kotse, hindi sa trunk o sa sahig.

Pag-aalaga sa bata
Kung mayroon kang maliliit na anak, magsaayos ng tulong habang nagpapagaling ka. Itaas ang mesa ng pagpapalit o i-adjust ito sa taas na hanggang baywang. Gumamit ng pang-abot para pumulot ng malilit na bagay, gaya ng mga laruan, mula sa sahig. Kung kailangan mong buhatin ang sanggol mula sa kuna, ibaba ang rehas ng kuna. Ilapit ang bata sa iyong katawan.
Paggawa sa kusina
Iimbak ang pagkain at mga kagamitan na madalas mong ginagamit sa mga counter o sa mga gitnang istante ng refrigerator. Habang nagtatrabaho, tumayo na nasa harap ang isang paa o nakapahinga sa isang bangkito.
Pagmamaneho o pagsakay sa kotse
I-adjust ang upuan ng kotse para nakapantay ang iyong mga tuhod o nasa ibaba lang ng iyong mga balakang. Para bumaba sa kotse, isalalay ang iyong puwit at iindayog palabas ang iyong mga binti, pinananatiling magkasama ang iyong mga tuhod. Huwag ipilipit ang iyong gulugod. Gamitin ang mga kalamnan ng iyong binti para tumayo. Para pumasok sa kotse, gawin ang kabaligtaran. Huwag magmaneho ng kotse kung umiinom ka ng gamot sa pananakit o anumang gamot na maaaring magpadilim ng iyong isip, magpaantok sa iyo, o makaapekto sa iyong pagpapasya.
Paggawa ng mga gawain sa trabaho
Kapag handa ka nang bumalik sa trabaho, itanong sa iyong physical therapist kung paano isaayos ang iyong mesa o workspace para protektahan ang iyong likod. Gumamit ng upuan na may magandang suporta sa likod.
Pagiging matalik
Itanong sa iyong doktor o physical therapis kung kailan ligtas para sa iyo na makipagtalik. Maaaring mas maginhawa ang mga posisyon na nakatagilid. Kung nakahiga ka, suportahan ang iyong leeg at mga tuhod ng mga unan. Huwag iarko ang iyong likod. At, huwag masyadong mabilis na baguhin ang posisyon ng iyong gulugod. Magdahan-dahan at tingnan kung ano ang gumagana para sa iyo at sa iyong kapareha.
Online Medical Reviewer:
Anne Fetterman RN BSN
Online Medical Reviewer:
Luc Jasmin MD
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed:
12/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.