Pagkontrol sa Tagihawat ng Tinedyer

Pinakamahusay na gagana ang iyong paggamot sa tagihawat kung susundin mo ang iyong plano ng paggamot. Madalas na tumatagal ng ilang buwan bago gumaling ang tagihawat, kaya kakailanganin mong maging matiyaga. Maaaring ang unang palatandaan ng paggaling ay kapag ito ay tumindi o lumala nang maikli matapos simulan ang paggamot. Madalas na nangangahulugan ito na malapit na itong mawala, kaya huwag tumigil sa iyong paggamot. Tanungin ang iyong tagapangalaga ng kalusugan kung kailan mo maaasahang mas gumanda ang hitsura ng iyong balat. Kung hindi gumaling ang iyong balat sa iyong petsang minimithi, tumawag sa iyong tagapangalaga. Maaari niyang gustuhing subukan ang ilang iba pang uri ng paggamot. Kakailanganin ng maraming tinedyer na may katamtamang matinding tagihawat na uminom ng kombinasyon ng gamot at gamot na inilalagay sa iyong balat.
Ang tamang bagay para sa iyong mukha
Bukod sa pagsunod sa iyong plano ng paggamo, kailangan mong gamitin sa iyong mukha ang mga tamang produkto at kosmetiko sa pangangalaga ng balat. Sundin ang mga payo na ito:
-
Pumili ng banayad at walang langis na mga sabon at panlinis ng mukha.
-
Huwag gumamit ng mga matapang na pangkuskos sa tagihawat, panlinis, o astringent. Maaaring makairita ang mga ito sa iyong balat at gawing mas malala ang tagihawat.
-
Magtanong sa tagapangalaga ng iyong kalusugan bago bumili ng mga panggamot sa tagihawat na walang reseta, gaya ng mga nagtataglay ng benzoyl peroxide. Maaaring maging bahagi ang mga produktong ito ng iyong paraan ng paggamot. Ngunit gaya ng anumang gamot sa tagihawat, maaaring mairita ng mga ito ang iyong balat kung masyadong malakas ang dosis.
-
Hanapin ang salitang noncomedogenic sa etiketa ng anumang produktong binibili mo. Nangangahulugan ito na hindi mababarahan ng produkto ang iyong mga butas ng balat. Palaging pumili ng makeup na inihahalo sa tubig at walang langis.
Ang pag-aaral ng higit pa tungkol sa tagihawat ang unang hakbang patungo sa pagkontrol ng karaniwang problemang ito. Dapat malaman na sa tamang paggamot at pangangalaga ng balat, maaari mong pamahalaan ang iyong tagihawat at mas maganda ang mararamdaman sa iyong balat.
Pangangalaga sa iyong balat
Maaaring makatulong ang tamang rutina sa pangangalaga ng balat na mapanatiling malusog at maganda ang hitsura ng iyong balat. Sundin ang mga payo na ito kapag nangangalaga sa iyong balat:
-
Hugasan nang marahan ang iyong mukha o iba pang apektadong balat nang dalawang beses sa isang araw gamit ang banayad na panlinis. Huwag kuskusin ang iyong balat. Padulasin ang panlinis sa iyong balat gamit ang mga dulo ng iyong mga daliri. Banlawang mabuti ang iyong balat gamit ang maligamgam na tubig, pagkatapos ay patuyuin ito.
-
Kung inaprubahan ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang anumang gamot sa tagihawat na walang reseta, gamitin ito matapos mong hugasan ang iyong balat. Ipahid ang gamot sa lahat ng bahagi ng balat kung saan ka mayroong dungis.
-
Huwag pisilin ang mga tagihawat o sungkitin ang mga dungis. Sa paggawa nito, maaaring mas pumangit ang mga ito at maging sanhi ng mga pilat. Maaaring kusang maghilom nang mas mabilis ang iyong tagihawat kung hindi mo papuputukin ang mga tagihawat at gagamitin nang tama ang mga gamot.
-
Huwag gumamit ng mga nakasasakit na kagamitan, gaya ng mga espongha at brush. Maaaring mairita ng mga ito ang balat at gawin mas malala ang iyong tagihawat.
-
Kung gumagamit ka ng malalambot ng espongha o tela upang magpahid ng makeup, panatilihing malinis ang mga ito.
-
Gumamit ng mga moisturizer ng balat ayon sa ibinilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan upang maiwasan ang pagkatuyo at pagbabalat.
-
Limitahan ang iyong oras sa ilalim ng araw at gumamit ng sun block. Ginagawa ng ilang panggamot sa tagihawat na mas sensitibo ka sa araw at humahantong sa madaling pagka-sunburn. Huwag gumamit ng mga tanning bed.
-
Huwag hawakan ng kamay ang iyong mukha. Maaari itong humantong sa mga pagtindi ng tagihawat.
-
Regular na mag-shampoo, lalo na kung malangis ang iyong buhok.
Online Medical Reviewer:
Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer:
Michael Lehrer MD
Online Medical Reviewer:
Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed:
7/1/2020
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.