Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Ano ang Rheumatoid Arthritis?

Ang rheumatoid arthritis (RA) Isang sakit na nakaaapekto sa lining ng mga kasukasuan. Tinatawag ang lining na ito na synovium. Nagdudulot ang RA ng pananakit, pamamaga, paninigas, at nabawasang kakayahang paggalaw ng mga kasukasuan. Kung hindi nagamot, maaaring mangyari ang pagkapinsala ng kasukasuan at magkaroon ng kapansanan. Pinakamadalas mangyari ang sakit na ito sa mga kababaihang young-adult hanggang middle-age.

Harapang kuha ng kasukasuan ng tuhod na ipinakikita ang pamamaga at arthritis.

Ano ang sanhi ng RA?

Ang RA ay isang autoimmune na sakit. Karaniwang pinoprotektahan ng immune system ang katawan. Kapay mayroong autoimmune na karamdaman, inaatake nito ang katawan at nagdudulot ng panganib. Sa RA, inaatake ng immune system ang lining ng kasukasuan. Hindi alam ang dahilan nito. Sa palagay ng mga mananaliksik, isa itong kumbinasyon ng mga gene (namana sa mga magulang) at kapaligiran (tulad ng mga virus o bakterya). May mataas na panganib ng pagkakaroon ng RA ang mga taong naninigarilyo o labis ang timbang.

Ano-ano ang mga sintomas ng RA?

Maaaring maapektuhan ng rheumatoid arthritis ang karamihang kasukasuan. Mga karaniwang lugar ang mga kamay, galang-galangan, siko, tuhod, at mga bola ng mga paa. Kadalasang nakaaapekto ang sakit na ito sa parehong kasukasuan sa magkabilang panig ng katawan. Maaaring kabilang sa mga sintomas ang:

  • Masakit, namamaga at inflamed na mga kasukasuan. Maaaring mapula ang hitsura ng mga ito at mainit ang pakiramdam.

  • Naninigas na mga kasukasuan. Maaaring gawing mas malubha ang paninigas ng sobrang pamamahinga o sobrang paggamit ng kasukasuan. Napakakaraniwan ang paninigas sa umaga na tumatagal nang mahigit sa 30 minuto.

  • Mga kasukasuan na nawala ang normal na hugis at paggalaw. Maaaring mas lumaki ang mga kasukasuan. At mas mahirap igalaw nang normal ang mga kasukasuan. Maaaring makasagabal ang mga depormidad na ito sa mga pang-araw-araw na gawain, tulad ng pagsuklay ng iyong buhok, pagbutones ng mga damit, o pagbaluktot ng iyong mga tuhod.

  • Pagkapagod. Maaaring kang makaramdam ng sobrang pagod.

  • Pagkawala ng gana sa pagkain.

  • Paulit-ulit na mababang lagnat.

Paano nada-diagnose ang RA?

Magtatanong ang iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa kasaysayan ng iyong kalusugan at kasalukuyang mga sintomas. Susuriin nlya ang iyong mga kasukasuan. Magkakaroon ka ng mga pagsusuri ng dugo at X-ray. Malamang na payuhan ka ng iyong tagapangalaga na magpatingin ka sa isang rheumatologist. Isa itong tagapangalaga ng kalusugan na nakatanggap ng espesyal na pagsasanay sa sakit ng musculoskeletal at mga karamdamang autoimmune.

Online Medical Reviewer: Dan Brennan MD
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Rita Sather RN
Date Last Reviewed: 3/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer