Matapos ang Pagpapalit ng Balakang: Pagpapagaling sa Ospital
Ililipat ka sa iyong kuwarto kapag nagising ka na. Maaasahan mong makaramdam ng kaunting pananakit. Upang makuha ang pinakamahusay na pampaginhawa sa kirot, sagutin nang matapat kapag tinatanong ka kung gaano kasakit ang nadarama mo. Sa sandaling ipakita sa iyo kung paano protektahan ang iyong balakang, matututunan mo ang mga kasanayan na kailangan upang bumalik sa normal na buhay. Tuturuan ka kung paano maglalakad, uupo, at magbibihis. Upang gawing mas madali ang paggalaw, humingi ng gamot para sa kirot bago ang bawat sesyon ng pagsasanay.
Sa iyong silid sa ospital
Susubaybayan kang mabuti sa araw ng operasyon. Ang alinman o lahat ng mga kagamitan sa ibaba ay maaaring ibigay sa iyo para sa iyong kaligtasan at kaginhawahan.
-
Ang foam wedge, brace, o mga unan ay maaaring gamitin upang panatilihing nasa puwesto ang iyong bagong balakang sa panahon ng maagang pagpapagaling.
-
Maaaring may nakasabit na bar (trapeze) sa itaas ng iyong kama. Gamitin ito upang tulungan kang buhatin ang iyong katawan kapag ikaw ay nagbabago ng posisyon.
-
Maaaring gamitin ang mga espesyal na stocking upang bawasan ang panganib ng pamumuo ng dugo. Maaari ka ring bigyan ng gamot upang tumulong na iwasan ang mga pamumuo ng dugo.
Pamamahala ng pananakit
Sa una, makakaramdam ka ng pananakit, kahit na may gamot pa. Ito ay normal. Ngunit kung hindi nabawasan ang kirot, siguraduhing sabihin sa nars. Maaaring ituturok ang gamot para sa kirot sa isang kalamnan o ibigay sa linya ng IV (intravenous) sa daluyan ng dugo. Sa kalaunan, bibigyan ka na lamang ng gamot para sa kirot. Maaaring kasama rito ang iba't ibang gamot.
Muling paglalakad
Maaari kang magsimulang tumayo at maglakad sa loob ng ilang oras pagkatapos ng operasyon. O maaari kang makatayo at makalakad sa unang araw pagkatapos mong maoperahan. Malamang na mayroon ka pa ng IV, kaya medyo nakakalito ang paggamit ng walker. Ngunit huwag mag-alala. Isang physical therapist ang tutulong sa iyo. Tuturuan ka kung gaaano kabigat na timbang, kung mayroon man, ang ilalagay sa iyong bagong kasukasuan. Sa pagsasanay, maaari mong magawang gumalaw sa tulong ng walker lamang sa lalong madaling panahon. Maaari kang gumamit ng mga saklay kapag kailangan.
 |
Isang physical therapist ang tutulong sa iyo na makalakad pagkatapos ng operasyon. |
Online Medical Reviewer:
Rahul Banerjee MD
Online Medical Reviewer:
Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer:
Stacey Wojcik MBA BSN RN
Date Last Reviewed:
9/1/2023
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.