Related Reading
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Diabetes at Pag-inom ng Alak

Kung mayroon kang diabetes, mag-ingat sa alak. Makakaapekto ang alak sa iyong lebel ng asukal sa dugo (glucose). Maaari din nitong dagdagan ang mga panganib sa kalusugan. Bago uminom ng anumang alak, makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. Maaari silang makatulong sa iyo na magpasya kung maaari kang uminom nang ligtas. Magbasa pa tungkol sa mga panganib ng pag-inom ng alak sa ibaba. At alamin ang mga payo para manatiling ligtas kapag umiinom ka.

Babaeng nakaupo sa mesang pang eksaminasyon na nakikipagusap sa tagapangalaga ng kalusugan.

Paano nakakaapekto ang alak sa iyong diabetes

Narito kung paano makakaapekto ang alkohol sa iyong kalusugan kung mayroon kang diabetes:

  • Maaari itong magpalala ng ilang problema sa kalusugan. Maaaring palubhain ng alak ang sakit sa atay, bato, o lapay. Maaari nitong gawing mas malamang ang pagkakaroon ng pinsala sa nerbiyo o mata. Maaari nitong pataasin ang iyong presyon ng dugo at triglycerides. Kung mayroon ka ng alinman sa mga problemang ito sa kalusugan, malamang na sabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga na huwag uminom ng alak.

  • Maaari nitong mapataas ang iyong panganib para sa mababang asukal sa dugo (hypoglycemia). Makatutulong ang atay upang maiwasan ang mababang asukal sa dugo. Ginagawa ito ng atay sa pamamagitan ng paglalabas ng mas maraming glucose sa dugo. Pinipigilan ng alak na nasa dugo ang atay na gawin ito. Mas malamang ang mababang asukal sa dugo kung umiinom ka ng alak nang walang laman ang tiyan. O kung nakainom ka ng alak sa panahon o pagkatapos ng ehersisyo. Mas malamang din ito kung gumagamit ka ng insulin o mga gamot na tumutulong sa pagpapababa ng asukal sa dugo. At, maaaring itago ng alak ang mga sintomas ng mababang asukal sa dugo. Maaari kang pigilan nito na kuhanin ang kinakailangang paggamot. Kung minsan, nangyayari ang mababang asukal sa dugo dahil sa alak ilang oras pagkatapos uminom. Mas malamang din ito kung sinamahan ng ehersisyo.

  • Maaari nitong itaas ang iyong panganib para sa mataas na asukal sa dugo (hyperglycemia). May mga carbohydrate (mga carb) ang maraming inuming nakalalasing. Kabilang sa mga ito ang serbesa, matatamis na wine, at mga inuming may halong katas ng prutas o asukal. Ngunit pinatataas ng mga carb ang mga lebel ng asukal sa dugo nang mas mataas at mas mabilis kaysa iba pang uri ng pagkain. Maaaring makapinsala ang pag-inom ng alak sa iyong kakayahang bantayan ang iyong mga carb. Suriin nang mas madalas ang iyong asukal sa dugo kapag umiinom ng alak. 

  • Makakaapekto ito kung gaano kahusay mong kinokontrol ang iyong timbang. Mataas sa calories ang alak at walang sustansya. Kung mayroon kang plano ng pagkain upang makatulong na kontrolin ang iyong timbang, kakailanganin mong bilangin ang dami ng alak bilang bahagi ng iyong araw-araw na pagkain ng calorie. Madalas na binibilang ang isang karaniwang inumin bilang 90 calories o 2 pagpapalit ng taba o fat exchange. At, maaaring gawin ng alak na makaramdam ka na mas gutom kaysa karaniwan. Ginagawa nitong mas malamang na kumain ka nang sobra. Makakaapekto ito sa iyong timbang at asukal sa dugo. Maaari ding paramihin ng pag-inom ng alak ang taba sa tiyan at taba sa atay. Maaari itong humantong sa pinsala sa atay at iba pang problema sa kalusugan.

Mga payo para sa mas ligtas na pag-inom

Maaaring sabihin sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na OK lang na uminom nang katamtaman. Narito ang ilang hakbang na maaari mong gawin upang uminom nang ligtas:

  • Mahigpit na sundin ang mga limitasyon sa pag-inom mula sa iyong tagapangalaga. O gamitin ang mga patnubay ng American Diabetes Association na nasa ibaba.

  • Suriin ang iyong asukal sa dugo bago uminom. Huwag uminom kung sobrang mababa o mataas ang iyong asukal sa dugo. Suriin din ang iyong asukal sa dugo pagkatapos uminom o bago matulog. Kayang manatili ng alak sa dugo sa loob ng maraming oras matapos uminom. Kung mababa o bumababa ang iyong asukal sa dugo, maaari mo itong gamutin sa pamamagitan ng pagkain ng meryenda o pag-inom ng glucose tablet bago pa ito lumala. Sa mababa o limitadong dami, maaaring gawing mas sensitibo ng alak ang iyong katawan sa kung paano gumagana ang insulin.

  • Kung magbibilang ka ng mga carb, huwag bilangin ang calories mula sa alak. Hindi ito kapalit ng masustansyang pagkain. 

  • Itanong sa iyong tagapangalaga kung paano nakakaapekto ang insulin o anumang gamot na iniinom mo.

  • Huwag uminom nang walang laman ang tiyan.

  • Huwag uminom sa panahon o pagkatapos ng ehersisyo.

  • Huwag uminom at magmaneho.

  • Pumili ng mga inuming mas mababa ang taglay na alkohol, calories, at mga carb. Kabilang sa mga pagpipilian ang mga dry wine at mga light beer. O mga may halong inumin ng juice na walang asukal, club soda, o sparkling water.

  • Magdala ng medical ID na nagsasabing mayroon kang diabetes. Makatutulong ito na tiyakin na magkakaroon ka ng wastong paggamot, kung kinakailangan.

  • Kung hindi ka umiinom ngayon, huwag mo nang simulan. Sinabi sa mga pag-aaral sa nakaraan na maaaring may ilang benepisyo sa kalusugan ang katamtamang pag-inom ng alak (gaya ng pagpapababa ng panganib ng sakit sa puso). Pero ipinapakita ng mga kamakailang pag-aaral na maaaring hindi totoo ang mga ito.

Mga patnubay sa alak ng American Diabetes Association

Kung sinabi ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na OK lang na uminom ka, limitahan ang pag-inom sa:

  • Mga babae: Hindi dapat humigit sa 1 pag-inom sa isang araw

  • Mga lalaki: Hindi dapat humigit sa 2 pag-inom sa isang araw

Ang isang pag-inom ay katumbas ng:

  • 12 onsa ng serbesa

  • 5 onsa ng wine

  • 1.5 onsa ng 80-proof (matapang) na alak tulad ng vodka, whiskey, o gin

Online Medical Reviewer: Jessica Gotwals RN BSN MPH
Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer: Robert Hurd MD
Date Last Reviewed: 4/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer