Gastric Emptying Scan
Ang gastric emptying scan ay isang pagsusuri na gumagamit ng imahe. Sinusukat nito kung gaano kabilis naglalakbay ang pagkain mula sa sikmura papunta sa maliit na bituka. Sa panahon ng pagsubok, bibigyan ka ng pagkain na naglalaman ng isang maliit na dami ng radioactive na sangkap (tracer). Ginagawa ang pag i-scan ng sikmura. Ang tracer ay nagpapakita ng malinaw sa scan at sinusubaybayan ang pagkilos ng pagkain sa loob ng iyong sikmura. Ang pagsusuring ito ay pinaka-madalas na kinakailangan kung mayroon kang mga sintomas na iminumungkahi ng isang problema sa paggalaw ng bituka. Ang motility ay tumutukoy sa pagkilos ng kalamnan sa lugar ng panunaw. Ang pagsusuri ay tumatagal ng 5oras.
Bago ang Pagsusuri
-
Ipaalam sa iyong doktor ang anumang mga gamot na iyong iniinom. Kabilang dito ang mga bitamina, herbal, at over-the-counter na mga gamot. Ang ilang mga gamot ay maaaring kailanganing itigil para sa ilang oras sa mga araw bago ang pagsusuri.
-
Huwag kumain o uminom ng kahit na ano simula sa 6oras bago ang pagsusuri.
-
Sundin ang alinmang tagabulin na ibibigay ng iyong doktor.
Ipagbigay Alam sa Technologist
Para sa iyong kaligtasan, sabihin sa technologist kung ikaw ay:
-
Umiinom ng anumang gamot.
-
Kailan lamang ay sumailalim sa X-ray o pagsusuri na gumamit ng mga sangkap, katulad ng barium.
-
Magkaroon ng kasalukuyang mga sintomas ng pagduduwal o pagsusuka.
-
Sumailalim sa operasyon kailan lamang.
-
May iba pang problemang pangkalusugan tulad ng dyabetis.
-
May mga allergy.
-
Ay buntis o maaaring buntis.
-
Ay nagpapasuso.
Habang Sinusuri
A gastric emptying scan ay maaaring maganap sa isang ospital. Ito ay ginagawa ng isang technologist na sinanay sa medisinang nuclear o radiology.
-
Ikaw ay bibigyan ng pagkaing iyong kakainin. Ito ay maaaring solidong pagkain, katulad ng itlog, o isang likido, katulad ng tubig. Parehong ang pagkain at inumin ay may maliit na dami ng tracer. Ang tracer ay walang lasa. Kung ikaw ay may allergy sa pagkaing ibinigay, ibang klase ng pagkain ang gagamitin.
-
Pagkatapos mong tapusin ang pagkain, hihilingin sa iyo na hindi humiga sa isang mesa na pangsuri.
-
Ang mga imahe ng iyong sikmura ay kinunan gamit ang isang computer na tinatawag na isang scanner. Dapat humiga na hindi gumalaw habang ginagawa ang proseso. Ang mga scanner ay gumagamit ng teknolohiya na maaaring makita ang dami ng tracer sa sikmura. Habang ang pagkain ay umaalis mula sa sikmura, ang dami ng tracer ay nababawasan. Pinapayagan nito ang technologist upang sukatin ang bilis kung aling pagkain ang umaalis sa sikmura.
-
Higit pang mga larawan ng iyong sikmura ay kinukuha sa iba't ibang oras. Ito ay karaniwang nangyayari matapos ang 1, 2, at 4 na oras pagkakain ng mga pagkain. Maaari kang umalis sa kwarto sa pagitan ng mga beses na ang mga larawan ay kinunan. Ngunit huwag kumain o uminom ng anumang bagay o magsagawa ng nakakapagod na gawain sa panahong ito.
-
Sa sandaling ang huling hanay ng mga larawan ay nakunan, ang pagsusuri ay kumpleto na.
 |
Gamit ang gastric emptying scan, ginagamit ang isang makina na tinatawag na scanner para kumuha ng mga litrato ng iyong sikmura. |
Pagkatapos ng Pagsusuri
Maaari ka ng umuwi matapos ang ginawang pagsusuri. Ang isang doktor ng nuclear na medisino o radiologist ay titignan ang mga resulta ng pagsusuri kasama ng iyong doktor. Ang iyong doktor ay suriin ang mga resulta ng ginawa sa iyo. Ito ay malamang na maganap sa loob ng ilang araw ng pagsusuri.
Mga Panganib at Posibleng mga Komplikasyon ng Pagsusuri na ito
May isang maliit na halaga ng radiation mula sa pagkakalantad sa tracer. Ang halagang ito ay hindi itinuturing na mapanganib, ngunit maaari itong maging panganib kung ikaw ay buntis o nagpapasuso. Maging sigurado na makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa mga panganib bago ang pagsusuri.
Online Medical Reviewer:
Jessica Gotwals RN BSN MPH
Online Medical Reviewer:
Neil Grossman MD
Online Medical Reviewer:
Raymond Turley Jr PA-C
Date Last Reviewed:
12/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.