Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Kagat ng Hayop (Pangkalahatan)

Maaring magdulot ng malalim na sugat ang kagat ng hayop para masira ang balat. Sa mga naturang kaso, nililinis ang sugat at kung minsan, isinasara ito. Kung isinara ang sugat, maaaring hindi ito ganap na maisara. Ginagawa ito para makatagas ang likido at maiwasan na maimpeksiyon ang sugat. Kung kinakailangan, maaaring magbigay ng turok sa tetano (iniksyon), turok sa rabies, at antibayotiko bilang karagdagan sa pangangalaga sa sugat.

Mga kagat ng hayop

Pangangalaga sa tahanan

  • Pangalagaan ang sugat ayon sa itinagubilin. Kung nilagyan ng dressing o tapal ang sugat, palitan ito ayon sa itinagubilin.

  • Hugasang mabuti ang iyong mga kamay gamit ang sabon at maligamgam na tubig bago at pagkatapos alagaan ang sugat. Tumutulong ito na pababain ang panganib ng impeksiyon.

  • Maglagay ng malinis at malambot na tela sa sugat kung dumugo ang sugat. Pagkatapos, mahigpit na pisilin ito hanggang sa tumigil ang pagdurugo. Maaari itong umabot hanggang 5 minuto. Huwag bitawan ang pagkapisil at tingnan ang sugat sa panahong ito.

  • Naghihilom ang karamihang sugat sa balat sa loob ng 10 araw. Pero maaaring mangyari ang pagkaimpeksyon kahit pa ginagamot nang tama. Siguraduhing bantayan ang sugat para sa mga palatandaan ng impeksiyon (tingnan sa ibaba). Tingnan ang sugat nang kasing dalas ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.

  • Maaaring ireseta ang antibayotiko. Tumutulong ang mga ito na maiwasan o gamutin ang impeksiyon. Kung binigyan ka ng mga antibayotiko, inumin mo ang mga ito ayon sa itinagubilin. Gayundin, tiyaking tapusin ang mga gamot.

Pag-iwas sa rabies

Ang rabies ay virus na maaring taglay ng ilang hayop. Maaaring kabilang sa mga ito ang mga alagang hayop, tulad ng mga aso at pusa. Maaari ding magdala ng rabies ang mga maiilap na hayop, gaya ng mga skunk, raccoon, fox, at paniki. Napakababa ng panganib ng impeksiyon ng mga alagang hayop na ganap na nabakunahan laban sa rabies (2 turok). Dapat ikulong sa loob ng 10 araw ang alinmang nangagat na alagang hayop bilang karagdagang hakbang na pangkaligtasan, dahil halos palaging nakamamatay ang rabies sa tao. Sa pangkalahatan, kung may panganib para sa rabies, maaaring kailangang gawin ang mga hakbang na ito:

  • Kung kinagat ka ng alagang aso o pusa ng ibang tao, dapat itong ikulong sa isang ligtas na lugar sa susunod na 10 araw upang bantayan ang mga palatandaan ng sakit. (Makipag-ugnayan sa inyong lokal na sentro ng pagkontrol sa mga hayop kung hindi ito payagan ng may-ari ng alagang hayop.) Hingin sa may-ari ng alagang hayop ang mga rekord ng bakuna kung mayroon. Makipag-ugnayan kaagad sa inyong lokal na sentro ng pagkontrol sa mga hayop, kung nagkasakit o namatay ang aso o pusa sa panahong iyon, upang masuri ito para sa rabies. Walang panganib ng rabies sa hayop o sa iyo kung mananatiling malusog ang alagang hayop sa susunod na 10 araw.

  • Makipag-ugnayan sa inyong lokal na sentro ng pagkontrol sa hayop kung nakagat ka ng ligaw na alagang hayop. Maaari silang makapagbigay ng impormasyon sa mga nahuli, naka-quarantine, at pagsusuri sa rabies ng hayop.

  • Maaaring kailanganin mong tumanggap ng serye ng bakuna sa rabies kung hindi mo mahanap ang hayop na kumagat sa iyo sa susunod na 2 araw, at kung may rabies sa inyong rehiyon. Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. O bumalik kaagad sa emergency department.

  • Dapat iulat sa lokal na sentro ng pagkontrol sa hayop ang lahat ng insidente ng kagat ng hayop. Maaari mong iulat mismo kung hindi ka nabigyan ng form para sagutan.

Follow-up na pangangalaga

Mag-follow-up sa iyong tagapangalaga ng kalusugan gaya ng itinagubilin.

Kailan dapat humingi ng medikal na payo

Kumuha kaagad ng medikal na pangangalaga kung mangyari ang alinman sa mga ito:

  • Mga palatandaan ng impeksiyon:

    • Kumakalat na pamumula o panghahapdi mula sa sugat

    • Tuminding pananakit o pamamaga

    • Lagnat na 100.4ºF (38ºC) o mas mataas, o gaya ng ipinayo ng iyong tagapangalaga

    • Tumatagas na may kulay na likido o nana mula sa sugat

  • Mga palatandaan ng impeksiyon sa rabies:

    • Pananakit ng ulo

    • Pagkatuliro

    • Kakaibang pag-uugali

    • Karagdagang paglalaway o tumutulong laway

    • Kumbulsyon

  • Nabawasang kakayahan na igalaw ang anumang bahagi ng katawan malapit sa lugar na kinagat

  • Hindi maampat na pagdurugo pagkatapos ng 5 minuto ng madiing pagpisil

Online Medical Reviewer: Eric Perez MD
Online Medical Reviewer: Paula Goode RN BSN MSN
Online Medical Reviewer: Tara Novick BSN MSN
Date Last Reviewed: 5/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer