Paghuhugas ng kamay: Mga Tip para sa mga Pasyente, Pamilya, at Kaibigan
Ang mga mikrobyo ay nasa kahit saan sa ating paligid. Karaniwan, nabubuhay tayo na may mga mikrobyo nang hindi nagkakasakit. Sa ilang mga kaso, ang mga nakakapinsalang mikrobyo ang nagiging sanhi sa atin na magkaroon tayo ng sakit na may impeksyon. O maaari nating ikalat ang mga nakakapinsalang mikrobyo sa iba at maging sanhi ito na magkaroon sila ng sakit. Ang pagpapanatiling malinis ng iyong mga kamay ay ang pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang pagkakaroon o pagkalat ng mga mikrobyo na nagdudulot ng impeksyon. Hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig o gumamit ng alcohol based na panlinis ng kamay.

Kailan maglilinis ng iyong mga kamay
Kapag nagka-kontak sa maraming mapaminsalang mga mikrobyo. Upang makatulong na maiwasan ang impeksyon, hugasan nang madalas ang iyong mga kamay, lalo na:
-
Bago, habang, at pagkatapos maghanda ng pagkain.
-
Bago at pagkatapos kumain.
-
Pagkatapos gumamit ng banyo.
-
Pagkatapos hipan ang iyong ilong, pag-ubo, o pagbahing o tuwing gagamit ka ng tissue.
-
Bago at pagkatapos hawakan o magpalit ng dressing o bendahe, o paggamot ng sugat.
-
Matapos hawakan ang anumang bagay o ibabaw na maaaring kontaminado.
-
Pagkatapos hawakan ang basura.
-
Pagkatapos hawakan ang isang hayop, halimbawa sa isang ospital, klinika, paaralan, o iba pang pampublikong lugar.
-
Pagkatapos hawakan ang isang hayop, pakikipaglaro, paglilinis pagkatapos ng alagang hayop, o paghawak ng pagkain ng alagang hayop.
Kung wala kang akses sa sabon at tubig, gumamit ng alcohol-based na hand gel na naglalaman ng hindi bababa sa 60% na alkohol. Ang mga produktong ito ay pumapatay ng karamihan sa mga mikrobyo at madaling gamitin. Ngunit kung ang iyong mga kamay ay nakikitang malinaw na marumi, gumamit ng sabon at tubig (hindi alcohol-based na hand gel).
Kailan lilinisin ang iyong mga kamay sa ospital: Para sa pamilya at mga kaibigan
Kapag bumisita o nag-aalaga sa isang mahal sa buhay, ang paghuhugas ng iyong mga kamay o paggamit ng panlinis ng kamay na alcohol based ay maaaring makatulong na pigilan ang pagkalat ng mga mikrobyo. Maghugas ng kamay:
-
Bago pumasok at pagkatapos lumabas ng kwarto ng pasyente.
-
Sa sandaling tanggalin mo ang mga guwantes o iba pang proteksiyon na damit.
-
Pagkatapos magpalit ng dressing o bendahe.
-
Pagkatapos ng anumang kontak sa dugo o iba pang likido sa katawan.
-
Pagkatapos hawakan o palitan ang linen ng kama o mga tuwalya ng pasyente.
-
Matapos hawakan ang isang hayop sa panahon ng sesyon ng terapiya ng alaga (ospital).
-
Pagkatapos hawakan ang isang hayop, paglilinis pagkatapos ng alagang hayop, o paghahanda ng pagkain para sa mga alagang hayop (tahanan).
Maraming mga ospital ang may lababo o gel mga dispenser sa labas mismo ng mga silid ng pasyente. Kung hindi, magdala ng isang bote ng hand gel na alcohol-based kasama mo. Gamitin ito sa tuwing bibisita ka. Kung ang iyong mga kamay ay nakikitang malinaw na marumi, gumamit ng sabon at tubig (hindi alcohol-based na hand gel).
Mga tip para sa mabuting paghuhugas ng kamay
Narito ang ilang mga mungkahi na dapat sundin:
-
Gumamit ng malamig o mainit na malinis, umaagos na tubig at maraming sabon. Gumawa ng magandang bula.
-
Linisin ang buong kamay, kabilang ang ilalim ng iyong mga kuko, sa pagitan ng iyong mga daliri, at pataas sa mga pulso.
-
Mag kuskos nang hindi bababa sa 20 segundo. Huwag lamang punasan o ipadaan ang iyong mga kamay sa tubig. Kuskusin mabuti.
-
Banlawan. Hayaang umagos ang tubig pababa sa iyong mga daliri, hindi papunta sa pulso.
-
Patuyuin nang mabuti ang iyong mga kamay. Gumamit ng papel na tuwalya para patayin ang gripo at buksan ang pinto.
Mahalaga ang oras
Kapag mas matagal mong hinuhugasan ang iyong mga kamay, mas maraming mikrobyo ang maaalis mo. Karamihan sa mga tao ay naghuhugas ng kanilang mga kamay sa loob ng 6 hanggang 7 segundo. Ngunit sa hindi bababa sa 20 segundo ang kailangan upang maalis ang mga mikrobyo. Ang pag-awit ng "Happy Birthday" o ng "ABC Song" ay mga halimbawa kung gaano katagal ang 20 segundo.
Paano gumamit ng alcohol-based na panlinis ng kamay
Ang mga panlinis ng kamay na alcohol-based ay maaaring gamitin kapag walang sabon at tubig o kapag hindi nakikitang marumi ang iyong mga kamay. Para sa pinakamahusay na mga resulta, sundin ang mga hakbang na ito:
-
Pumili ng gel o spray na naglalaman ng hindi bababa sa 60% na alkohol. Ang mga produktong may kaunting alkohol ay hindi maaaring pumatay ng mga mikrobyo.
-
Ikalat ang panlinis sa palad ng isang kamay. Basahin ang label para malaman ang tamang dami na gagamitin. Maraming tao ang gumamit ng mas kaunti kaysa sa kinakailangan at pagkatapos ay hindi malinis na mabuti ang kanilang mga kamay.
-
Mabilis na kuskusin ang iyong mga kamay, linisin ang likod ng iyong mga kamay, ang mga palad, sa pagitan ng iyong mga daliri, at pataas ng mga pulso.
-
Kuskusin hanggang mawala ang panlinis, at ang iyong mga kamay ay ganap na tuyo. Ito ay tumatagal ng humigit-kumulang 20 segundo.
Ang mga antibacterial na sabon at panlinis ng kamay
Mga sabon na antibacterial:
Mga panlinis ng kamay na alcohol-based:
Online Medical Reviewer:
Barry Zingman MD
Online Medical Reviewer:
Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer:
Sabrina Felson MD
Date Last Reviewed:
1/1/2025
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.