Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

 

Mga tagubilin sa Pag-uwi para sa Biopsy sa Bato

Ikaw ay sumailalim sa isang pamamaraan na tinawag na kidney biopsy. Ang iyong doktor ay gumamit ng espesyal na karayom upang tanggalin ang maliit na piraso ng tisyu mula sa iyong bato upang ma-eksamin ito para sa mga senyales ng pagkasira o sakit. Ang kidney biopsy ay itinatakda matapos na ang mga pagsusuri ay magpakita ng problema sa iyong bato. Ang kidney biopsy ay ginagawa rin kapag pinaghihinalaan ang sakit sa bato at upang malaman kung ito ay hindi kanser.

Pangangalaga sa Tahanan

  • Magpahinga ng 24 hanggang 48 na oras. Bumangon lamang kapag gagamit ng palikuran.

  • Huwag magmaneho ng 24 hanggang 48 na oras matapos ang pamamaraan.

  • Huwag maligo ng 24 oras matapos ang biopsy. Kung iyong gugustuhin, maaari mong hugasan ang iyong sarili gamit ang isang spongha o bimpo. Kapag ikaw ay maaari ng maligo, huwag kuskusin ang dakong ginamit. Marahang hugasan ang lugar at patapik na tuyuin.

  • Tanggalin ang benda na nakatakip sa dako ng biopsy 24 hanggang 48 oras matapos ang pamamaraan.

  • Huwag magbuhat ng alinmang mabigat sa 10 pounds ng 3 hanggang 4 na araw matapos ang pamamaraan.

  • Tanungin ang iyong doktor kung kailan ka makakabalik sa pagtratrabaho. Siguraduhing sabihin sa iyong doktor kung ang iyong trabaho ay nangangailangan ng pagbubuhat.

  • Kung ikaw ay normal na umiinom ng mga gamot na pampalabnaw ng dugo (anticoagulants o antiplatelet na mga gamot) at ikaw ay huminto sa pag-inom ng mga ito ilang araw bago ang pamamaraan, tanungin ang iyong doktor kung kailan dapat simulan muli ang pag-inom ng mga ito.

Kailan dapat sumangguni ng pangangalagang medikal

Tawagan kaagad ang iyong doktor kung ikaw ay may alinman sa mga sumusunod:

  • Dugo sa iyong ihi

  • Kapagalan o labis na kapaguran

  • Pagkahilo o pagkawala ng balanse

  • Biglaan at pinatinding kakapusan sa paghinga

  • Biglaang pananakit ng dibdib

  • Lagnat na 100.4°F (38.5°C) o mas mataas, o pangangatog

  • Tumitinding pamumula, pagkirot, o pamamaga ng dako ng biopsy.

  • Pagbuka ng o pagkakaroon ng tagas o pagdurugo sa dako ng biopsy.

  • Tumitinding pananakit, mayroon o wala mang aktibidad.

Online Medical Reviewer: Foster, Sarah, RN, MPH
Online Medical Reviewer: MMI board-certified, academically affiliated clinician
Date Last Reviewed: 2/1/2017
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer