Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Tagubilin sa Paglabas ng Ospital para sa Pagpalya ng Puso

Ang puso ay isang kalamnan na nagbobomba ng dugo na mayaman sa oxygen papunta sa lahat ng bahagi ng katawan. Kapag ikaw ay may pagpalya ng puso, hindi makapagbomba nang tama ang puso gaya nang dapat nitong gawin. Maaaring maipon ang dugo at likido sa mga baga. Hindi nakakukuha ng sapat na dugo na mayaman sa oxygen ang ilang bahagi ng katawan upang gumana nang normal. Humahantong ang mga problemang ito sa mga sintomas ng pagpalya ng puso. Maaaring mangyari ang pagpalya ng puso dahil sa isang pinsala sa puso o mula sa mga natural na proseso. Maaari mong kontrolin ang mga sintomas ng pagpalya ng puso gamit ang ilang pagbabago sa pamumuhay at sa pagsunod sa payo ng iyong doktor.

Aktibidad

Itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa programa ng pag-eehersisyo. Maaaring makatulong ang mga simpleng gawain tulad ng paglalakad o paghahardin. Maaaring bumuti ang iyong pakiramdam sa pag-eehersisyo sa karamihang araw ng linggo. Huwag masiraan ng loob kung mabagal sa simula ang iyong pagsulong. Magpahinga kung kinakailangan. Ihinto ang gawain kung magkaroon ka ng mga sintomas gaya ng pananakit ng dibdib, pagkalula, o kakapusan sa hininga. Humanap ng mga aktibidad na nasisiyahan ka. Maaaring ang mga halimbaya ay mabilis na paglalakad, pagsayaw, paglangoy, at paghahardin. Tutulong ang mga ito sa iyo na manatiling aktibo at palakasin ang iyong puso. Itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa cardiac rehab. Isa itong programa na tumutulong sa iyo na mag-ehersisyo nang ligtas.

Diyeta

Sundin ang isang diyeta na malusog sa puso. At siguraduhin na limitahan ang asin (sodium) sa iyong diyeta. Nagdudulot ang asin na pigilin ng iyong katawan ang tubig. Mas pinagtatrabaho nito ang iyong puso dahil may mas maraming likido na bobombahin ang puso. Limitahan ang iyong asin ayon sa ibinilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan sa pamamagitan ng paggawa ng sumusunod:

  • Limitahan ang de-lata, tuyo, nakapakete, at mga fast food.

  • Huwag magdagdag ng asin sa iyong pagkain.

  • Lagyan ng pampalasa ang mga pagkain gamit ang mga herb sa halip na asin.

  • Bantayan kung gaano karaming likido ang iniinom mo. Maaaring palubhain ang pagpalya ng puso ng pag-inom nang napakarami. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa kung gaano ang dapat mong inumin bawat araw.

  • Limitahan ang dami ng alak na iniinom mo. Maaari itong makasama sa iyong puso. Ang mga babae ay hindi dapat uminom ng higit sa 1 inumin sa isang araw. Ang mga lalaki ay hindi dapat uminom ng higit sa 2 sa isang araw.

  • Hingin na huwag dagdagan ng asin ang iyong mga pagkain kapag kumakain ka sa labas.

  • Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalasugan bago gumamit ng mga pamalit sa asin. Kadalasang mayroong potassium ang mga ito. Maaaring hindi ito maganda para sa iyong kalusugan. Magdedepende ito sa kung gaano kahusay gumagana ang iyong mga bato at kung ano-anong gamot ang iniinom mo. Nangangailangan ang ilang tao ng dagdag na potassium. Ang ilan ay hindi.

Tabako

Mas mahalagang huminto kung naninigarilyo ka. Pinatataas ng paninigarilyo ang iyong tsansa ng pagkakaroon ng atake sa puso sa pamamagitan ng pagpinsala sa mga daluyan ng dugo na nagbibigay ng oxygen sa iyong puso. Mas pinalulubha nito ang pagpalya ng puso. Ang paghinto sa paninigarilyo ang kauna-unahang bagay na magagawa mo para pahusayin ang iyong kalusugan. Magpatala sa isang programa ng pagtigil sa paninigarilyo para mapahusay ang iyong tsansang magtagumpay. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa mga gamot o nicotine replacement therapy. Magtanong din sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa mga suportang grupo sa paghinto sa paninigarilyo.

Gamot

Inumin ang iyong mga gamot nang eksakto ayon sa inireseta. Alamin ang mga pangalan at layunin ng bawat isa sa iyong mga gamot. Magdala ng tumpak na listahan ng gamot at kasalukuyang mga dosis sa lahat ng oras. Huwag laktawan ang mga dosis. Kung pumalya ka sa isang dosis ng iyong gamot, inumin ito sa sandaling maalala mo. Kung pumalya ka sa isang dosis at halos oras na para sa susunod mong dosis, maghintay lang at inumin ang iyong susunod na dosis sa karaniwang oras. Huwag uminom ng dalawang dosis. Kung hindi ka sigurado, tumawag sa opisina ng iyong doktor. Siguraduhin na hindi paghaluin ang iyong mga gamot o kalimutan kung ano ang nainom mo sa parehong araw. Kumuha ng iyong mga resetang gamot bago ka maubusan ng gamot. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon kang problema sa halaga ng iyong mga gamot.

Pagmo-monitor ng timbang

Timbangin ang sarili mo araw-araw. Maaaring mangahulugan ang biglang pagtaas ng timbang na lumulubha ang iyong pagpalya ng puso. Timbangin ang iyong sarili sa parehong oras ng araw at suot ang parehong uri ng mga damit. Mainam, timbangin muna ang iyong sarili sa umaga pagkatapos mong umihi, ngunit bago ka kumain ng agahan. Ipapakita sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan kung paano susubaybayan ang iyong timbang. Sasabihin din niya sa iyo kung kailan ka dapat tumawag kung mayroon kang biglaan at hindi inaasahang pagtaas ng iyong timbang.

Sa pangkalahatan, maaaring hingin sa iyo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan na iulat kung tumaas ang iyong timbang nang mahigit sa 2 pound sa 1 araw,  5 pound sa 1 linggo, o anumang timbang ang naidagdag mo na sinabi ng iyong doktor. Isa itong palatandaan na nagpapanatili ka ng mas maraming likido kaysa dapat. Kasama sa mga palatandaan sa pagtaas ng timbang ang pagsusuri ng iyong mga bukung-bukong para sa pamamaga, o pagpansin na nangangapos ang iyong hininga kapag nakahiga ka.

Follow-up na pangangalaga

Magkaroon ng follow-up appointment ayon sa itinagubilin. Depende sa uri at tindi ng pagpalya ng puso na mayroon ka, maaaring kailanganin mong sundin sa loob ng 7 araw mula paglabas ng ospital. Sundin ang mga appointment para sa mga checkup at mga pagsusuri sa laboratoryo na kinakailangan para tingnan ang iyong mga gamot at kalagayan.

Kilalanin na nagdedepende ang iyong kalusugan at maging ang pagkaligtas sa iyong pagsunod sa payo ng iyong tagapangalaga.

Mga sintomas

Maaaring magdulot ng iba't ibang sintomas ang pagpalya ng puso. Kabilang sa mga ito ang:

  • Kakapusan sa hininga

  • Nahihirapang huminga sa gabi, lalo na kapag humihiga ka

  • Pamamaga sa mga binti at paa o sa tiyan

  • Pagiging madaling napapagod

  • Hindi regular o mabilis na pintig ng puso

  • Panghihina o pagkalula

  • Pamamaga ng mga ugat sa leeg

Mahalagang malaman kung ano ang gagawin kung lumubha ang mga sintomas o kung magkaroon ka ng mga palatandaan ng lumulubhang pagpalya ng puso. Subaybayan kung paano ang iyong nararamdaman bawat araw. Sabihin ang anumang pagbabago sa iyong tagapangalaga ng kalusugan.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga palatandaang ito ng lumulubhang pagpalya ng puso:

  • Biglang pagtaas ng timbang. Nangangahulugan ito na mahigit sa 2 pound sa 1 araw o 5 pound sa 1 linggo, o anumang dagdag na timbang na sinabi sa iyo ng iyong doktor na iulat.

  • Hirap sa paghinga na walang kaugnayan sa pagiging aktibo

  • Bago o nadagdagang pamamaga ng iyong mga binti o bukung-bukong

  • Pamamaga o pananakit sa iyong tiyan

  • Nahihirapan sa paghinga sa gabi. Nangangahulugan ito na paggising na nangangapos ang hininga o nangangailangan ng mas maraming unan upang makahinga.

  • Madalas na pag-ubo na hindi mawala-wala

  • Pakiramdam na sobrang pagod kaysa sa karaniwan

Tumawag sa 911

Tumawag kaagad sa 911 kung mayroon kang:

  • Matinding kakapusan sa hininga, kaya hindi mo mahabol ang iyong hininga kahit habang namamahinga

  • Matinding pananakit ng dibdib na hindi nalulutas sa pamamahinga o nitroglycerin

  • Kulay rosas at mabulang plema na may ubo at kakapusan sa hininga

  • Isang nagpapatuloy na mabilis o hindi regular na tibok ng puso

  • Passing out o pagkahimatay

  • Mga sintomas ng stroke gaya ng biglaang pamamanhid o panghihina ng isang bahagi ng mukha, braso, o binti o biglaang pagkalito, nahihirapang magsalita o mga pagbabago sa paningin

Online Medical Reviewer: Ronald Karlin MD
Online Medical Reviewer: Stacey Wojcik MBA BSN RN
Online Medical Reviewer: Steven Kang MD
Date Last Reviewed: 1/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer