Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-unawa sa Sakit na Pagkabalisa

Halos lahat ng tao ay ninenerbiyos paminsan-minsan. Normal lang ang pagkakaroon ng kaba bago ang pagsusuri. O ang pagbilis ng tibok ng iyong puso sa unang petsa. Ngunit higit pa ang sakit na pagkabalisa sa pagkanerbiyos. Sa katunayan, maaaring maging matindi ang mga sintomas nito. Ngunit maiibsan ng paggamot ang marami sa mga sintomas na ito. Ang pakikipag-usap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan ang unang hakbang.

Nakikipag-usap ang isang lalaki sa isang propesyonal sa kalusugan ng isip.

Ano ang sakit na pagkabalisa?

Nagdudulot ng matitinding damdamin ng sindak at takot ang sakit na pagkabalisa. Maaaring mangyari ang mga pakiramdam na ito nang walang malinaw na dahilan. At ang mga ito ay maaaring magpaulit-ulit. Mapipigil ng mga ito na makayanan mo ang buhay. Maaaring magdulot ang mga ito sa iyo ng matinding hirap. Maaari kang lumayo mula sa anumang dahilan ng iyong takot. Sa mga malalang kaso, maaaring ayaw mo nang umalis ng bahay. Maaaring magdulot ang sakit na pagkabalisa ng iba pang sintomas, tulad ng:

  • Sobra-sobrang pag-iisip na hindi kanais-nais at hindi mo makontrol

  • Palagiang bangungot o masakit na paggunita ng nakaraan

  • Masakit ang tiyan, pamamawis, at tensyon sa kalamnan

  • Hirap makatulog o magpokus

Ano ang sanhi ng sakit na pagkabalisa?

Ang sakit na pagkabalisa ay maaaring dahil sa pamilya. Para sa ilang tao, ang pag-abuso noong bata pa o kapabayaan ay maaring dahilan. Para sa iba, ang mga nakaka-stress na pangyayari sa buhay o trauma ay maaaring maging dahilan ng sakit na pagkabalisa. Ang pagkabalisa ay nagiging dahilan ng mababang pagpapahalaga sa sarili at mahinang abilidad na pakikibagay sa buhay.

Mga uri ng sakit na pagkabalisa

  • Sakit na pagkasindak. Nagdudulot ito ng napakatinding takot na malagay sa panganib.

  • Mga phobia. Ito ay matitinding takot sa ilang bagay, lugar, o kaganapan.

  • Sakit na obsessive-compulsive (OCD). Ginagawa ka nitong magkaroon ng mga hindi ninanais na saloobin at kagustuhan. Maaari mo ring gawin ang ilang bagay nang paulit-ulit.

  • Sakit na posttraumatic stress (PTSD). Nangyayari ito sa mga taong dumanas ng isang kakila-kilabot na karanasan. Maaari itong maging sanhi ng mga bangungot at pagbalik ng alaala tungkol sa kaganapan.

  • Karaniwang sakit na pagkabalisa. Nagiging sanhi ito ng palagiang pag-aalala. Maaari nitong sirain nang labis ang iyong buhay.

Pagpapagaling

Maaari kang maniwala na walang makakatulong sa iyo. O, maaaring matakot ka sa iisipin ng iba. Subalit karamihan sa mga sintomas ng pagkabalisa ay naiibsan. Hindi dapat ikahiya ang pagkakaroon ng sakit na pagkabalisa. Karamihan sa tao ay mas bumubuti sa paggamot na may kombinasyon ng medikasyon at indibiduwal at panggrupo na therapy. Hindi ito mga panlunas. Ngunit makakatulong ang mga ito na mamuhay ka nang malusog na pamumuhay.

Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Paul Ballas MD
Date Last Reviewed: 3/1/2020
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer