Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pang-aabuso sa Tahanan: Pagbabago ng Iyong Buhay

May tendensiya na lumalala ang pang- aabuso at mas madalas na nangyayari sa paglipas ng panahon. Kung inaabuso ka, magplano nang maaga upang makalaya nang permanente. Ngunit huwag masiraan ng loob kung tumatagal ito nang higit sa 1 pagsubok. Madalas itong nangyayari. Sa iyong lakas ng loob at tulong ng ibang tao, mababago mo ang iyong buhay.

Nakikipag-usap sa telepono ang isang babae.

Dagdagan ang iyong kaligtasan ngayon

Hindi ka nararapat na maabuso. Maghanda ngayon para protektahan ang iyong kalusugan at kaligtasan:

  • Humingi ng tulong. Makipag-ugnayan sa kanlungan ng kababaihan para humingi ng tulong sa paggawa ng iyong mga plano. Itanong sa kanila kung ano-anong uri ng mga legal na proteksyon ang magagamit mo.

  • Magkaroon ng emergency exit. Alamin kung paano makalabas nang mabilis sa iyong bahay. Humanap ng pintuan sa likod o bintana na malalabasan mo.

  • Gumawa ng plano. Magpasya kung saan pupunta kapag may emergency. Alamin kung paano makakapunta roon nang walang kotse at gumawa ng mga kaayusan na angkop sa edad para sa iyong mga anak.

  • Magsenyas para sa tulong. Kung nagtitiwaa ka sa isang kapitbahay, magtakda ng isang senyas para sa emergency, tulad ng baluktot na blind sa bintana. Hilingin sa kapitbahay na tumawag ng pulis kung makita nila ang senyas na ito.

  • Kung sa palagay mo ay nasa agarang panganib ka, ganoon nga. Ikaw ang pinakamahusay na tagapagpasya ng iyong sitwasyon. Umalis kaagad at pumunta sa ligtas na lugar o tumawag sa pulis kung magagawa mo. Kapag dumating ang pulis, magtanong kung ano-anong mga legal na proteksyon ang mayroon ka. Huwag hayaang iwanan ka ng pulis nang mag-isa kasama ang nang-aabuso. Kung ikaw ay napinsala, humingi ng medikal na tulong. Siguraduhing irerekord ng mga tauhan ng medikal ang iyong mga pinsala bilang sanhi ng isang pag-atake, hindi pagkahulog sa hagdan o pagtakbo sa isang pinto.

Paano magsisimula

Maaaring maging mapanganib ang pagtakas sa nang-aabuso. Ang madalas na pinakaligtas na oras para tumakas ay pagkatapos kang gawan ng masama ng nang-aabuso sa iyo. Ngunit ikaw ang pinakamahusay na magpapasya kung kailan dapat umalis. Pagkatiwalaan ang iyong mga nararamdamang kutob at maghanda. Sa ganitong paraan mabilis kang makakakilos kapag tama na ang oras. Upang maghanda, gawin ang sumusunod:

  • Mag-impake ng emergency bag. Kasama ang damit, pera, mga susi ng kotse, anumang pang-araw-araw na gamot, at mahahalagang papeles. Kabilang sa mga ito ang mga sertipiko ng kapanganakan, pasaporte, numero ng account sa bangko, at numero ng insurance sa kalusugan. Ipatago sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan ang mga bagay na ito para sa iyo.

  • Maghanap ng ligtas na lugar para manirahan. Maaaring mag-alok ng proteksyon ang bahay ng isang kaibigay o kanlungan ng kababaihan hanggan makahanap ka ng mas permanenteng lugar. 

  • Tumingin sa pagsasanay sa trabaho. Maraming kanlungan ng kababihan ang nagbibigay ng mga referral para sa trabaho at mga serbisyong pangangalaga sa bata.

Humingi ng tulong

Labag sa batas ang pang-aabuso sa tahanan. Alamin kung ano-ano ang iyong mga karapatan. Matutulungan kang magsimula ng mga kanlungan o mga hotline ng mga kababaihan at pamilya.

Tandaan na hindi ka nag-iisa. Lumapit sa mga kaibigan, pamilya, mga relihiyosong namumuno, at mga tagapayo para sa suporta. Makatutulong din ang mga kanlungan ng kababaihan at mga serbisyong panlipunan. Tumingin online para sa mga mapagkukunan sa iyong lugar. Narito ang mga mapagkukunan:

Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Paul Ballas MD
Date Last Reviewed: 12/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer