Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagkatapos ng Operasyon sa Thyroid (Thyroidectomy)

Pagkatapos ng iyong operasyon, sundin nang eksakto ang mga tagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan. Inumin ang iyong mga gamot o mga tableta ng hormone bawat araw. At magpatingin sa iyong tagapangalaga para sa mga regular na checkup. Layunin nito na makontrol ang iyong mga problema sa thyroid. Pagkatapos maaari ka nang bumalik sa paggawa ng mga bagay na nais mong gawin.

Dinarama ng doktor ang leeg ng babae para eksaminin ang thyroid.
Susubaybayan ng iyong doktor ang iyong paggaling para makasiguro na gumagaling ka nang tama at nakokontrol ang iyong problema sa thyroid.

Habang nagpapagaling ka

  • Huwag hayaang mabasa ang bahagi ng iyong sugat (hiwa) sa loob ng ilang araw pagkatapos ng iyong operasyon.

  • Mag-iskyedul ng follow up na pagbisita sa iyong surihano o sa iyong pangunahing tagapangalaga ng kalusugan. Susuriin ang iyong sugat. Kung mayroon ka pang mga staple o tahi (mga suture), maaaring tanggalin ang mga ito. Sa simula, mamumula at uumbok ang iyong sugat. Malamang itong pumantay nang bahagya o mawala ang pamumula sa loob ng humigit-kumulang  6 na buwan.

  • Kakailanganin mong uminom ng mga tabletang thyroid hormone. Pinapalitan ng mga tabletang ito ang hormone na dating ginagawa ng iyong thyroid. Babaguhin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan ang dosis ng hormone hanggang maging tama para sa iyo. Inumin ang iyong mga tabletang thyroid nang walang laman ang tiyan. Subukang inumin ang mga iyon sa parehong oras bawat araw. 

  • Maaaring hindi gumana nang normal ang iyong mga parathyroid gland. Kung gayon, maaaring kailanganin mong uminom ng calcium at bitamina D sa mga unang linggo pagkatapos ng operasyon.

  • Huwag gumawa ng nakakapagod na pisikal na aktibidad sa loob ng ilang linggo. Kabilang dito ang paglangoy o pagbubuhat ng mabibigat na bagay.

  • Huwag bumalik sa trabaho hangga't hindi sinasabi ng iyong tagapangalaga na OK ito.

Pamamahala sa iyong kalusugan

  • Kung binigyan ka ng mga tableta sa thyroid hormone o ibang gamot, inumin ang mga ito ayon sa itinagubilin. Makatutulong ito na panatilihing nasa mga tamang lebel ang iyong mga hormone. Laging uminom ng mga tabletang thyroid hormone nang walang laman ang tiyan. At inumin ang mga ito sa parehong oras bawat araw. Mas nasisipsip ang bitamina D kung ininom kasabay ng pagkain. Makagagambala ang calcium sa pagsipsip ng thyroid hormone. Kaya inumin ang mga ito sa magkakaibang oras ng araw.

  • Magpatingin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan para sa regular na mga pagsusuri ng dugo. Ito ay upang suriin na ang iyong gamot sa hormone ay nasa tamang dosis para sa iyo.

  • Kung mayroon kang bukol, maaaring kailanganin mo ng mga kasunod na pagsusuri. Ang mga ito ay para suriin ang mga pagbabago sa laki nito. O upang suriin kung may iba pang bukol.

  • Kung ginamot ka na sa kanser, kakailanganin mo ng regular na follow up na pagsusuri. Ang mga ito ay para suriin ang mga senyales ng pagbalik ng kanser.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan 

Tumawag kaagad sa tagapangalaga ng kalusugan kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:

  • Pamamaga o pagdurugo sa dako ng sugat

  • Lagnat na 100.4°F ( 38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinayo ng iyong tagapangalaga

  • Isang pilit, garalgal na boses (paos)

  • Ang pamamaga ng lalamunan na matindi o tumatagal ng higit pa sa 1 linggo

  • Pangingilig o mga pulikat sa iyong mga kamay, paa, o labi

Online Medical Reviewer: Chris Southard RN
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Melinda Murray Ratini DO
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer