Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Insulin: Paano Gamitin at Saan Ituturok

Ibinibigay mo sa iyong sarili ang insulin bilang isang turok (iniksyon). Itinuturok ito sa matabang suson sa ilalim ng balat (subcutaneous). Gumagamit ang ilang tao ng naka-implant na device na tinatawag na insulin pump. Itinuturok ng ibang tao ang insulin gamit ang mga pen na may laman na. Tuturuan ka ng pangkat na nangangalaga sa iyong kalusugan kung paano gamitin ang insulin. Siguraduhin sinusunod mo ang mga tagubilin tungkol sa kung kailan at kung saan mo ito gagamitin.

Sa ituturok ang iyong insulin

  • Pinakamadalas na itinuturok ang insulin sa taba ng tiyan (abdominal). Doon ito pinakamabilis na nasisipsip.

  • Baguhin ang lugar ng iniksyon sa tuwing nagtuturok ka sa iyong sarili ng insulin. Tumutulong ito na maiwasan ang mga problema.

  • Planuhin kung paano ka lilipat sa bawat bahagi.

  • Mag-iwan ng hindi bababa sa 2 pulgado sa paligid ng iyong pusod (navel).

Hingin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan na turuan ka tungkol sa pag-ikot ng iyong lugar ng iniksyon. Tutulong ito na maiwasan ang pamumuo ng paga sa ilalim ng balat mula sa paggamit sa parehong lugar. Itanong din kung paano maiwasan na iturok ito sa kalamnan. Maaaring humantong sa maling pagsipsip ng insulin ang pagturok sa kalamnan o sa paga.

Mga dako ng ineksyon
Mga dako ng ineksyon.

Kailan ituturok ang iyong insulin

  • Sundin ang mga tagubilin ng iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa kung kailan bibigyan ang sarili mo ng insulin.

  • Napakahalaga na itaon ang iyong mga turok ng insulin sa mga pagkain o meryenda. Isipin ang paggamit ng parehong bahagi ng katawan para sa pagtuturok ng insulin sa parehong oras bawat araw. Halimbawa, maaari mong laging gamitin ang iyong tiyan para sa mga pagtuturok sa umaga at ang iyong mga hita para sa mga pagtuturok sa hapon.

Paghahanda na magturok ng insulin mula sa isang bote

  • Hugasan ang iyong mga kamay. Gumamit ng sabon at malinis, dumadaloy na tubig.

  • Tingnan ang petsa ng pag-expire ng insulin. Huwag gumamit ng insulin na nag-expire na.

  • Tingnan ang insulin. Hindi dapat kupas ang kulay o may mga kristal ang malinaw na insulin. Ang malabong insulin ay hindi dapat magkaroon ng mga kumpol o mga kristal na nakadikit sa gilid ng vial o pen.

  • Hayaang maabot ng bote ng insulin ang katamtamang temperatura bago iturok.

  • Punasan ang itaas ng bote ng insulin (vial) ng alkohol.

Isang dosis na preparasyon

  1. Hilahin ang plunger hanggang ang dulo ng plunger ay pantay sa bilang ng mga yunit ng insulin na itinuturok mo. Laging basahin ang bilang ng mga yunit ng insulin na kapantay ng paningin. 

  2. Ilagay ang karayom sa ibabaw ng bote. Pagkatapos, itulak ang plunger hanggang dulo. Itinutulak nito ang hangin sa bote ng insulin.

  3. Ipihit ang bote at hiringgilya nang pataob. Mapupunta sa itaas ang bote.

  4. Hawakan ang karayom at bote nang diretso pataas at pababa. Tingnan na ang karayom ay nasa insulin.

  5. Hilahin ang plunger hanggang ang dulo ng plunger ay pantay sa bilang ng mga yunit ng insulin na itinuturok mo.

  6. Tanggalin ang karayom. Pagkatapos, tapikin ang hiringgilya gamit ang dulo ng daliri upang alisin ang anumang bula.

Pasyenteng ini-inject ang insulin sa tiyan
Pag-inject ng insulin.

Magkahalong dosis na preparasyon

Mahalaga: Hindi dapat paghaluin ang ilang insulin. Laging magtanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan bago maghalo ng insulin.

  1. Bago ka magsimula, pagsamahin ang 2 dosis ng insulin. Ito ay upang malaman mo ang kabuuan ng 2 dosis. Halimbawa, kailangan mo ng 6 na yunit ng regular (malinaw) na insulin at 7 yunit ng NPH (malabo). Ang kabuuan mo ay magiging 13 yunit.

  2. Hilahin ang plunger hanggang ang dulo ng plunger ay pantay sa bilang ng mga yunit ng insulin na itinuturok mo. Laging basahin ang bilang ng mga yunit ng insulin na kapantay ng paningin. 

  3. Ilagay ang karayom sa ibabaw ng bote. Pagkatapos, itulak ang plunger hanggang dulo. Itinutulak nito ang hangin sa bote ng insulin.

  4. Kung ginagamit mo ang parehong regular at NPH na insulin sa iisang hiringgilya, maingat na alisin ang karayom mula sa unang bote. Ulitin ang mga nabanggit na hakbang para sa ikalawang bote.

  5. Sa parehong bote na may laman nang hangin, handa ka nang kumuha ng insulin. Laging kumuha ng regular (malinaw) na insulin bago ang NPH (malabo). Ilagay ang karayom sa bote ng regular (malinaw) na insulin.

  6. Ipihit ang bote at hiringgilya nang pataob. Mapupunta sa itaas ang bote.

  7. Hawakan ang karayom at bote nang diretso pataas at pababa. Tingnan na ang karayom ay nasa insulin.

  8. Hilahin ang plunger hanggang ang dulo ng plunger ay pantay sa bilang ng mga yunit ng regular na insulin na itinuturok mo.

  9. Alisin ang karayom mula sa regular (malinaw) na insulin. Ipasok ito sa bote ng NPH (malabo) na insulin. Maging maingat na hindi itulak ang plunger.

  10. Ipihit ang bote at hiringgilya nang pataob. Mapupunta sa itaas ang bote.

  11. Hawakan ang karayom at bote nang diretso pataas at pababa. Tingnan na ang karayom ay nasa insulin.

  12. Hilahin ang plunger hanggang ang dulo ng plunger ay pantay sa kabuuang bilang ng mga yunit na itinuturok mo. Ang numerong ito ay ang kabuuan ng 2 dosis ng insulin na magkasama gaya ng ipinakikita sa hakbang 1 sa itaas.

  13. Tanggalin ang karayom. Pagkatapos, tapikin ang hiringgilya gamit ang dulo ng daliri upang alisin ang anumang bula.

Pag-iniksiyon ng insulin

  • Hugasan ang iyong mga kamay ng malinis at dumadaloy na tubig at sabon sa loob ng 20 segundo

  • Marahang kurutin ang halos 1 pulgado ng balat. Huwag pigain ang balat. Maaaring hindi kailanganin ang pagkurot sa balat para sa ilang uri ng katawan o kung gumagamit ka ng mas maikling karayom. Tanungin ang iyong tagapangalaga ng kalusugan kung dapat mong kurutin ang iyong balat para sa iniksyon.

  • Ilagay ang karayom nang diretso sa balat, sa anggulo na kanang kamay (90-degree). Maaaring mas mabuti ang 45-degree na anggulo para sa mga tao at mga batang napakapayat. Itanong sa iyong tagapangalaga kung anong anggulo ang pinakamahusay para sa iyo.

  • Itulak ang plunger. Pindutin hanggang wala nang laman ang hiringgilya. Bitawan ang balat. Pagkatapos, alisin ang karayom. Huwag kuskusin ang lugar matapos mong tanggalin ang karayom.

  • Muling hugasan ang iyong mga kamay kapag tapos ka na

    Hiringgilya at insulin.
    Itapon kaagad ang gamit na karayom sa lalagyanan ng matatalim.

Pag-aalis ng hiringgilya

  • Ilagay ang karayom at hiringgilya sa sisidlan ng matatalas na bagay. Huwag muling takpan ang karayom.

  • Maaari kang bumili ng sisidlan ng matatalas na bagay sa isang parmasya o tindahan ng medikal na supply. O maaari mo ring gamitin ang walang laman na bote ng sabong panlaba o anumang iba pang sisidlan at takip na hindi mabubutas.

  • Kapag puno na ang sisidlan ng matatalas na bagay, ilagay ito sa bag ng basura at isara ang itaas. Lagyan ng etiketa ang bag na "mga karayom" o "mga matatalas na bagay."

  • Tumawag sa iyong lokal na kompanya ng basura upang hilingin na alisin ang sisidlan ng matatalas na bagay. Maaari mo ring tingnan sa Coalition for Safe Community Needle Disposal sa www.safeneedledisposal.org o 800-643-1643.

Pagtatabi ng iyong insulin

  • Panatilihin sa refrigerator ang mga hindi pa bukas na bote ng insulin. Maaaring iimbak ang bukas na bote sa katamtamang temperatura, gaya ng counter ng kusina. Huwag hayaang labis na uminit ang insulin. Palaging panatilihin ito na mababa sa 86°F (30°C). At huwag kailanman na hayaan itong mailado.

  • Laging gamitin ang insulin bago ang petsa ng pag-expire na nasa bote. Itapon ang mga boteng nag-expire na.

  • Gamitin ang insulin sa loob ng 28 araw matapos buksan ang bote. Pagkatapos ng 28 araw, itapon ito. Upang matandaan, isulat ang petsa sa bote nang buksan mo ito.

  • Kapag bumibiyahe ka, dalhin lahat ng iyong supply para sa diabetes. Ilagay ang mga ito sa isang bag na ginawa upang protektahan ang insulin mula sa init at lamig. Laging itabi ang mga ito sa iyo. Sa gayon, nasa iyo ang kailangan mo kung magkaroon ng pagkaantala o mawala ang maleta mo.

  • Huwag iwananan ang insulin sa kotse. Maaari itong labis na uminit o labis na lumamig.

Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Online Medical Reviewer: Robert Hurd MD
Date Last Reviewed: 11/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer